Umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kumpanya na maglagay ng sariling isolation facilities sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay kasunod ng pagpositibo sa virus ng ilang manggagawa sa isang kumpanya sa Laguna kung saan nauwi ito sa pagkahawa ng kanilang mga pamilya.
Napag-alaman dito na hindi ipinaalam ng kumpanya sa lokal na pamahalaan ang nangyari at sa halip ay inireport lamang ito sa kanilang head office.
Giit ni malaya, ito ay para hindi na pauwiin ang mga indibidwal na posibleng positibo sa virus at maiwasan na makahawa pa sa mga makasasalamuha.
Facebook Comments