DILG Usec. Densing, handang mag-resign kapag lumusot ang reclamation projects sa Manila Bay 

Manila, Philippines – Handang magbitiw sa pwesto si Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Epimaco Densing kung makakalusot ang mga reclamation projects sa Manila Bay.

Ayon kay Densing, hindi dapat maging gahaman ang mga lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor.

Hindi rin aniya siya natatakot kahit na may mabangga siyang negosyante dahil sa pagharang niya sa nasabing proyekto.


Giit ni Densing, tiyak na lulubog lalo sa baha ang Metro Manila kapag tinabunan pa ng lupa ang Manila Bay.

Naniniwala rin si Densing na kapag ang isang proyekto ay makakasama sa taumbayan hindi magdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ito.

Magugunitang lumutang ang usap-usapan hinggil sa reclamation project sa Manila Bay matapos pasimulan noong Enero ang clean up sa paligid nito.

Facebook Comments