JM De Guzman, ibinahagi ang huling sandali kasama si Chokoleit

Photo Courtesy: JM De Guzman/IG

Nagbahagi si JM De Guzman sa mga huling sandaling kasama ang komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay.

Kwento ng aktor, pagkadating pa lamang ni Chokoleit sa event sa Abra ay mapapansin na masama na ang pakiramdam nito na inakala niya na pagod lang siya.

Bagamat hindi napanood ni JM ang performance ni Chokoleit, dinig na dinig ang pagpapasaya niya sa mga manonood.


Pagkatapos ng performance ni JM ay ibinalita na kanya ng road manager na isinugod si Chokoleit sa ospital pero hindi na siya na-revive ng mga doktor.

Kasama rin sa show at pumunta sa ospital sina Pops Fernandez at Coleen Garcia.

Ayon sa attending physician na si Dr. Rosauro Seares, “pulmonary edema” at “heart attack” ang ikinamatay ni Chokoleit.

Facebook Comments