DILG, wala nang ibibigay na extension kaugnay sa road clearing efforts

Wala nang ibibigay na extension ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na nabigo sa paglilinis ng mga kalsada.

Ito ay matapos mapaso kahapon ang 60-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa clearing operations.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño – maaaring masibak sa pwesto ang mga mayor at barangay officials na hindi susunod base sa ipapasa nilang rekomendasyon sa Pangulo.

Nagpadala na ng validation team ang DILG para matingnan ang mga kalye sa iba’t-ibang lungsod.

Sakaling hind makuntento ang DILG, pwede silang magsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman para masibak sa pwesto ang mga mayor at barangay officials na hindi susunod na utos.

Facebook Comments