DILG, wala pang aksyon sa kaso ni Maasim Mayor Aniceto Lopez Jr.

Manila, Philippines – Wala pang itinatalaga ang Depertment of Interior and Local Government ng kapalit ni Mayor Aniceto lopez Jr. ng Maasim,Saranggani kasunod ng pagkakasamsam ng mga malaking bulto ng illegal drugs sa kaniyang bahay.

Ayon kay Assistant Secretary Janvier Echiveri, sa ngayonay wala pa silang maaring ipatupad.

Wala pa silang hawak na anumang kautusan mula sa Office of the Ombudsman o sa alinmang korte na nag aatas na kailangan nang suspindihin o palitan si Lopez.


Nakaantabay din sila kung may kaukulang kaso na naisampa laban kay Lopez sa kaugnay ng pagkakasamsam ng mga illegal drugs sa kaniyang bahay at pagkakadawit nito sa mga Espinosa at Parojinogs na kilalang mga drug lords.

Sa sandaling suspindihin o masibak sa puwesto si Lopez, susundin ang law of succession o ang kaniyang bise mayor ang papalit sa kaniyang mababakanteng puwesto.

Facebook Comments