Taong bayan, namumulat na sa kasamaan ni Pangulong Duterte – Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Nakakapagpalakas ng loob para kay Senator Antonio Trillanes IV ang pagbaba ng trust at satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Kumbinsido si Trillanes na ito ay dahil nakakakita na ng liwanag ang mamamayang Pilipino at mulat na sila sa tunay na pagkatao ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Trillanes, alam na ngayon ng taong bayan na si Pangulong Duterte ay sinungaling, bastos, imoral, korap, at mapang aping mayor na walang kakayahang pamunuan ang buong bansa.


Binigyang diin pa ni Trillanes, na libu-libo na ang namamatay sa ikinasang madugong gera ng pangulo laban sa ilegal na droga na lumikha din ng takot sa buong bansa.

Ipinunto ni Trillanes na ginawa ang nasabing survey bago pa kumpirmahin ng ombudsman ang umano’y bilyung pisong bank deposits ni Pangulong Duterte.

Bunsod nito ay buo ang pag-asa ni Trillanes na patuloy pang babagsak ang mga susunod na survey ukol kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments