DILG, wala pang natatanggap na reklamo patungkol sa aid distribution

38

Wala pang natatanggap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na reklamo hinggil sa pamamahagi ng cash aid sa gitna ng mahigpit na lockdown sa NCR plus bubble.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Undersecretary Bernardo Florece, wala pa silang natatanggap na anumang reklamo hinggil sa cash aid distribution.


Aniya, madali lamang ang pagbabantay ng pamamahagi ng ayuda.

Ang mga alkalde rin aniya ay hahayaang magpasya kung cash o in-kind ang ipapamahagi nilang ayuda sa kanilang mga kababayan.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na may mga lumalabas na balita na maraming residente na ang nagrereklamo dahil dito.

Inatasan ni Pangulong Duterte na DILG na imbestigahan ang mga alegasyon.



Facebook Comments