VP Robredo, Sec. Lopez, at Mayor Sotto, ginawagan ng public service awards ng People of the Year 2021

395

Ginawagan si Vice President Leni Robredo ng Special Award para sa Public Service sa People of the Year 2021 virtual awards night.

Binigyang pagkilala ang anti-poverty program ng Office of the Vice President (OVP) na Angat Buhay at ang kanilang COVID-19 response.


Ayon kay Robredo, iniaalay niya ang award na ito sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.

Binigyang pugay din ng Bise Presidente ang mga donors at volunteers at mga staff na patuloy sa paghahatid ng serbisyo.

Bukod kay VP Robredo, ginawaran din ng Special Award for Public Service si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez dahil sa kaniyang mga hakbang para mabuksan ang ekonomiya noong nakaraang taon.

Pinasalamatan ni Lopez si Pangulong Rodrigo Duterte sa inspirasyon para ibigay ang magandang serbisyo para mga Pilipino lalo na sa marginalized sectors.



Binoto naman si Pasig City Mayor Vico Sotto, bilang People’s Choice Awardee.


Kinilala ang epektibong COVID-19 response ng alkalde at pagpasok niya sa 12 International Anticorruption Champions.

Ang People of the Year ay isang taunang roster ng PeopleAsia Magazine para bigyang pagkilala ang mga “extraordinary people” ngayong extraordinary times.

Facebook Comments