Nananatiling COVID-19 free ang mga contact tracers na nagsisilbi sa mga Local Government Units (LGUs).
Ito ang inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasunod ng mga pangambang maaaring magkaroon ng virus ang mga contact tracers dahil sa pagtunton sa mga indibiduwal na suspetsadong mayroong COVID-19.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ang mga contact tracers ay dumaan sa proper training kaya alam nilang protektahan ang mga sarili nila.
Aabot na sa 48,074 contact tracers ang na-hire ng DILG sa bansa o 96.15% sa target nitong 50,000 contact tracers sa buong bansa.
Target nila na maabot ang quota sa susunod na linggo.
Ang hiring at deployment ng 50,000 contact tracers sa iba’t ibang LGU ay nakamandato sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ang mga contact tracers ay binabayaran ng minimum na ₱18,784 kada buwan sa ilalim ng contract of service.