DILG, walang natatanggap na ulat na umaalma ang DepEd na gawing vaccination site ang mga paaralan

Wala namang natatanggap na ulat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na reklamo sa mga paaralan na ayaw gamitin bilang vaccination site.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na sa kaniyang pagkakaalam ay may nauna nang inilabas na memorandum ang DepEd na nagbibigay pahintulot sa mga paaralan na gamitin bilang vaccination site.

Ayon pa kay Malaya kinakailangan lamang itong i-coordinate muna sa DepEd.


Una nang simabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na magbubukas ng karagdagang 4000 – 5000 vaccination sites ang pamahalaan ngayong buwan ng Nobyembre, upang makamit ang target na 1-M hanggang 1.5-M jabs kada-araw kung saan mapapabilang sa mga vaccination sites ang mga paaralan.

Facebook Comments