MMDA, nag-abiso ng road reblocking ngayong weekend

27

Nag-anunsyo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsasagawa ito ng road reblocking ngayong weekend.

Partikular na sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs bukas, November 5 dakong alas-11 ng gabi hanggang November 8.

Gagawin ang road reblocking sa EDSA bago sumapit sa Annapolis patungong Boni Serrano flyover, northbound second lane mula Center Island, sa Quezon City.


Gayundin sa EDSA-Tramo flyover sa Pasay City.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments