Dimples Romana, na-touch sa ginawang tula ng fan tungkol sa karakter na si Daniela Mondragon

324

Hindi napigilang maging emosyonal ni Dimples Romana sa ginawang tula ng isang netizen para kay “Daniela Mondragon”, karakter na ginampanan niya sa “Kadenang Ginto.”

Nabasa raw ng aktres ang tula habang papunta sa taping ng teleserye.


Isinulat ng netizen na may kaparehong pangalan ng karakter, Daniela, ang tulang “Lahat tayo, ipinanganak upang maging si Daniela” na ipinost sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga linya ng tula na inspired sa nag-viral na meme ng karakter.

Pula ang kulay ng kaniyang labi
Marahil dito niya kinukuha ang tapang sa kaniyang mga sinasabi

Pula ang kulay ng kaniyang suot
Marahil dito niya kinukuha ang lakas upang ipakita na hindi siya takot

Kung saang saang lugar na siya napadpad at nakalibot
Ngunit wala sa mga ito ang tunay na ‘siya’ na pilit inaabot

Pero gaya mo, hindi lang isa ang damit niya sa loob
Hindi lang pula ang kaniyang ipinantataklob
Sa mga sugat na minsan sa kaniya ay nagpataob
Marami rin siyang kulay ngunit kailangan niyang maging pula upang lamunin ng tatag ang mapanlinlang niyang mga kutob

Pula ang kulay ng kaniyang bagahe
Marahil dito nakakulong ang lahat ng kaniyang halimaw para ipabatid na siya’y hindi ‘lang’ babae

“Such a beautiful take on my Daniela Mondragon character. She nailed every word. I guess I have been doing Daniela long enough to feel for her and these words struck me and pulled every string in my heart. So, so grateful,” ani Dimples.

Facebook Comments

From Advertisers