Tiwala ng mga Pinoy sa China, bumagsak – SWS survey

88

 

Maliit ang tiwala ngayon ng mga Pinoy sa China.

 

Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) bumagsak sa -24 percent o ‘poor’ ang trust rating ng mga Pinoy sa China ngayong hunyo.


 

Lumitaw na 51 percent ng mga Pinoy ang mayroong maliit na tiwala sa China habang 81 percent naman ng mga Pilipino ang malaki ang tiwala sa Amerika.

 

Ito ay +73 percent o ‘excellent’ na mas mataas kumpara sa +60 percent noong nakaraang survey.

 

Ginawa ang survey mula June 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 filipino adult respondents.

Facebook Comments