DINAGDAGAN | 2018 budget ng DPWH, tinaasan

Manila, Philippines – 2018 budget ng DPWH, tinaasan ng mahigit P11 bilyon.

Tinaasan ng kongreso ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa taong 2018.

Nakasaad sa final report para sa 2018 National Budget, na dinagdagan ng parehong kapulungan ng Kongreso ng P11.1 bilyon ang alokasyon para sa DPWH.


Dahil dito, kabuuang P637.9 bilyon na ang makukuhang pondo ng DPWH para sa susunod na taon.

Matatandaang inirekomenda ni Lacson ang pagtapyas sa P68 bilyon sa budget ng DPWH na nakalaan sa mga proyektong may nakabinbin pang isyu sa right-of-way.

Facebook Comments