Zamboanga City – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang mga nasugatang citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa pagsabog sa Lamitan City, Basilan kung saan 10 ang nasawi.
Sa kanyang pagbisita, ginawan ng Pangulo ng Order of Lapu-Lapu ang mga sugatang sundalo.
Ang naturang parangal ay ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin para sa bayan.
Nagbigay din si Duterte ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima, anim na sundalo at tatlong miyembro ng civilian active auxiliary.
Maliban rito, nakiramay din ang Pangulo sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi sa pagsabog.
Binigyan rin ng Pangulo ng monthly allowance at nangakong sasagutin na ang educational assistance ng mga anak ng mga nasawi sa pagsabog.