TATAPYASAN | Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng bawas-presyo ngayong araw

Manila, ilang Philippines – Magpapatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang kumpaniya ng langis ngayong araw.

Sa abiso ng Petro Gazz, magtatapyas sila ng P0.20 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Ang Shell naman ay mayroong P0.10 na rollback sa kada litro ng gasoline at diesel habang P0.25 kada litro ng kerosene o gaas.


Kapwa ngayong alas-6 ng umaga ipatutupad ng dalawang kumpanya ang rollback sa oil products.

Inaasahang susundo rin sa bawas presyo sa produktong petrolyo ang ibang kumpaniya ng langis.

Facebook Comments