DINALAW | Senate President Sotto, binisita si Sen. De Lima sa kulungan

Manila, Philippines – Dinalaw ni Senate President Tito Sotto III kaninag umaga si Senator Leila De Lima sa Custodial Center ng Philippine National Police o PNP at tumagal ng 37-minuto ang kanilang pag-uusap.

Ayon kay Senator Sotto, binisita niya si Senator De Lima para makita ang kalagayan nito sa loob ng kulungan.

Sabi ni Senator Sotto, kanilang pinag-usapan ang mga panukalang batas na isinusulong ni Senator De Lima.


Dagdag pa ni Sotto, tinalakay nila kung paano makakalahok si Senator De Lima sa mga pagdinig na isinasagawa ng Senado.

Facebook Comments