PBA | Johnedel Cardel, bagong coach ng Columbian Dyip

Manila, Philippines – Ang dating De La Salle Green Archer na si Johnedel Cardel ang susunod na head coach ng Columbian Dyip sa PBA.

Inaasahan na pormal na ihahayag ng pamunuan ng koponan ang pagtatalaga kay Cardel sa kanilang meeting ngayong araw.

Si Cardel ang ikaanim coach ng Columbian Dyip mula nang umakyat ito sa PBA.


Dati itong assistant ni Franz Pumaten sa GlobalPort bago lumipat sa Columbian Dyip nilang assistant ni Ricky Dandan.

Papalitan ni Cardel si Dandan na nagbitiw bilang head coach para tutukan ang kaniyang trabaho bilang isa sa mga deputy ni Bo Perasol sa UP Fighting Maroons.
Nagtapos na may 4-7 win loss card ang Columbian Dyip sa Commissioner’s Cup.

Facebook Comments