DINAMPOT | 17 personalidad, inaresto ng Marikina PNP sa iba’t ibang kaso

Manila, Philippines – Puspusan ang isinasagawa ng Marikina PNP ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa bahagi ng Marikina City kung saan 17 personalidad ang kanilang inanyayahan sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Marikina Chief of Police P/Sr. Supt Roger Quesada, kabilang sa mga paglabag na ginawa ng 17 inaresto ay umiinum sa pampublikong lugar, nakahubad pang itaas sa pampublikong lugar, umiihi sa pampublikong lugar, nagkakalat ng basura at natutulog sa mga pampublikong lugar na mahigpit na ipinatutupad ng Marikina City Government

Paliwanag ni Quesada na ang naturang hakbang ng Marikina PNP upang mabigyan ng disiplina ang mga residente ng lungsod at maiwasan na rin ang mga nangyayaring kaguluhan dahil nagsisimula umano ang mga nangyayaring malalaking krimen sa mga simpleng mga paglabag sa mga ordinansa.


Giit ng opisyal mahigpit ang kanilang pagpatutupad ng mga ordinansa sa lungsod upang mapigilan mapigilan ang anumang kaguluhan na maaaring mangyayari sa lungsod.

Facebook Comments