Dine-in sa mga restaurant na nasa GCQ areas, irerekomenda ng DTI sa Inter-Agency Task Force

Nilalakad na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force na payagan ang dine-in sa mga restaurant sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang kanilang hakbang ay kasunod ng pagpapahintulot sa dine-in para sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified GCQ.

Sinabi ni Lopez na sa susunod na dalawang linggo, pag-aaralan nila kung maaari nang payagan kahit 30% lang ng dine-in customers.


Kasabay nito, muling nagpaalala si DTI Undersecretary Ruth Castelo sa mga restaurant owners kaugnay sa ipinapatupad na health protocols.

Facebook Comments