Dine-in sa mga restaurants, pag-aaralan ng DTI kung pwede ng ipatupad sa GCQ areas

Pag-aaralang mabuti ng Department of Trade and Industry (DTI) kung pwede ng buksan sa dine-in services ang mga retaurants na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Inihayag ito ni DTI Secretary Ramon Lopez sa pagdinig ng Senado bilang tugon sa sinabi ni Senator Cynthia Villar na may mga restaurants ang malulugi at magsasara dahil hindi sapat ang kita mula sa mga take-out at pag-deliver ng pagkain.

Batid ni Lopez na mahigt 70 percent ng kita ng mga restaurants ay nagmumula sa dine-in operations.


Ayon kay Lopez, mag-iinspeksyon sila sa mga fast food at iba pang restaurants at kung makikita nilang nasusunod ang health protocols laban sa COVID-19 ay posibleng irekomenda nilang payagan ang dine-in services hanggang 50 porysento ng kapasidad ng mga ito para maipatupad pa rin ang physical distancing.

Facebook Comments