Pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng dine-in services ng mga food establishments at care establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng IATF ang pagbubukas ng indoor dine-in services ng mga restaurants, eateries, commissaries at iba pang foor preparation establishments sa initial na 10% venue capacity sa ilalim ng MECQ.
Pinayagan din ang 30% venue capacity sa ilalim ng MECQ ang operasyon ng beauty salons, parlors, barbershops at nail spas.
Maaaring magbigay ang mga nabanggit na establisyimento ng serbisyo basta nasusunod ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras.
Personal care establishments at services na hindi nabanggit ay hindi papayagang mag-operate.
Ang mga food at personal care establishments ay maaaring mag-operate ng kanilang indoor dine-in services alinsunod sa Safety Seal Certification Program.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang dalawang linggong extension ng MECQ sa NCR plus bubble para makontrol ang paglobo ng kaso ng COVID-19.