PNP personnel na nabakunahan kontra COVID-19 halos 12,000 na

78

Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 11,967 na na nabukanahan na kontra COVID-19.

Sa ulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID- 9 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, ito ay 5.3% ng kanilang kabuuang sa 219,602 na puwersa.

Sa unang dose ng bakuna, 9,967 ang tinurukan ng Sinovac, 1,994 ng AstraZeneca, 4 ng Moderna at 2 ng Pfizer.


Habang 2,789 naman ang nakakumpleto ng ikalawang dose ng Sinovac at 2 naman ang Pfizer.

Sinabi pa ni Eleazar nagpapatuloy rin ang mass testing ng kanilang mga tauhan.

Sa ngayon, may 163,849 na ang naisalang sa RT-PCR test o 62.3 porsyento ng kanilang buong puwersa.



Facebook Comments