DINEDMA | Grupong PISTON, pinadi-disperse na sa kahabaan ng East Avenue

Manila, Philippines – Walang nabuong napagkasunduan sina LTFRB Chairman Martin Delgra at si PISTON President George San Mateo sa kanilang paghaharap kanina.

Nagkaharap ang dalawa habang nagkikilos protesta ang PISTON sa harap ng tanggapan ng LTFRB.

Iginigiit ni San Mateo na hindi lamang may epekto sa hanapbuhay ng mga tsuper at operators ang Tanggal Bulok Tanggal Usok Scheme ng gobyerno kundi malaking perwisyo din sa mga pasahero


Ayon kay Delgra, mas mainam kung sa tamang venue na lamang pag-usapan ang himutok ng grupo sa Tanggal Bulok, Tanggal Usok scheme ng gobyerno.

Sa halip, pinakiusapan ni Delgra ang PISTON na kusa nang mag-disperse dahil nakakaabala na sila sa mga motorista na dumadaan sa East Avenue sa QC.

Facebook Comments