Manila, Philippines – Dinedma din ng Palasyo ng Malacañang ang pahyag ng isang London based research consultancy firm na posibleng tumalikod ang mga investors sa paraan ng pagpapatakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa partikular kung paano ito magsalita.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matatag na paglago ng ekonomiya ng bansa at taliwas ito sa mga kritisismo na natatanggap ng bansa.
Patunay din aniya nito na itinanghal ang Pilipinas bilang pangalawa sa pinaka mabilis na umunlad na ekonomiya sa Asia sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Nangunguna din aniya ang Pilipinas sa larangan ng manufacturing at mataas din ang bilang ng foreign investment sa ilalim ng administrasyon.
Kaya naman walang basehan ang mga lumalabas na balita na hindi papasok ang mga investors sa bansa dahil maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa.