DINENY | Korina Sanchez – Itinangging nagpa-nose job

“My nose today is as i was born with”

Ito ang sagot ng veteran newscaster na si Korina Sanchez sa panibago na namang espekulasyon ng netizens na nagpa-nose job siya.

Isang larawan kasi ni Korina ang pinag-usapan kamakailan ng mga netizen dahil raw sa kakaiba nitong itsura.


Pero say ni Korina, hindi siya nagpa-retoke ng ilong at posibleng naangguluhan lang kaya nagmuka itong iba.

Nag-thank you pa siya sa ama niyang si Monching Sanchez na siya raw pinagmanahan niya ng kanyang ilong.

Kamakailan lang din nang gulatin ni korina ang publiko dahil sa young and fresh looks nito bilang bagong endorser ng Belo beauty.

Facebook Comments