KARAMBOLA | 1 patay sa banggan ng AUV at truck sa Nueva Vizcaya

Nueva Vizcaya – Patay ang isang lalaki makaraang bumangga ang minamaneho nitong AUV sa kasalubong na 10 wheeler truck sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Inidelarang dead on arrival ang driver ng AUV na si Silverio Aplasa habang sugatan namang ang sakay nitong si Rene Caligue.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na patungong Norte ang truck mag-a-alas-2 ng madaling araw kanina, nang mangyari ang insidente.


Nabatid na kinain ng AUV na nasa southbound lane ang daan dahilan ng pagbangga nito sa kasalubong na truck.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naturang insidente

Facebook Comments