MANILA – Una nang sinabi ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na ang malaking bahagi nang pondong inutang ng gobyerno ay inilaan sa Conditional Cash Transfer (CCT) program.Paliwanag ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, ang pangungutang ay bahagi ng pamamahala para pondohan ang mahahalagang proyekto na hindi kayang tustusan ng national budget.Ayon pa kay Quezon, dahil sa fiscal management, mas mura na ngayon ang pangungutang.Hindi na rin anya pwedeng bumalik sa sinabing cash only economy kung saan walang pondo o cash na nakalaan sa mahihirap kaya malaki sa inuutang ay inilalaan sa mga social services programs.Sa pag-aaral ng FDC, P62,000 kada isang pilipino na utang ng bansa ang posibleng manahin ng susunod na Pangulo ng Pilipinas.Ayon kay Samy Gamboa, Secretary General ng FDC, bagama’t hindi ipinagbabawal ang pangungutang, dapat matiyak na napupunta ito sa taumbayan at hindi sa bulsa ng iilang tao sa gobyerno.
Dinepensahan Ng Malakanyang Ang Lomolobong Utang Ng Aquino Administration Kung Saan Umaabot Na Ito Sa P4.6 Trillion.
Facebook Comments