DINEPENSAHAN | P20-B, pwedeng kitain ng pamahalaan sa rice tarrification

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang isinusulong na Rice Tariffication Act ng Duterte Administration sa gitna ng pagdinig para sa P49.8 Billion na budget ng ahensya.

Ayon kay Piñol, sa oras na maipatupad ito ay tatanggalin ang limit sa rice imports pero papatawan naman ito ng taripa o buwis.

Sinabi ng kalihim na ang kita mula sa buwis sa rice imports ay makakatulong sa mga magsasaka para makabili ng magandang binhi at pagdoble ng kanilang mga ani.


Dagdag pa ni Piñol, kaya din mahina ang local rice ay dahil hindi maganda ang binhi ng bigas na napo-produce sa bansa pero kung may kikitain na mula sa rice tariffication ay makakabili na ng magandang binhi ang mga magsasaka at tiyak na ito na ang tatangkilikin ng mga mamimili.

Pero, ikinadismaya naman ni Butil Partylist Representative Cecilia Chavez ang pagbabago sa polisiya ng Department of Agriculture (DA) kung saan ang subsidiya ng gobyerno sa mga magsasaka ay ginawang pautang ng ahensya sa mga local farmers.

Katwiran dito ni Piñol, hindi kakayanin ng gobyerno na i-subsidize ang lahat ng pangangailangan ng mga magsasaka kaya minabuting bigyan na lamang ng mababang interes na pautang ang mga magsasaka na maaaring ipambili ng mga binhi, pataba o kung anumang kailangan ng mga ito.

Facebook Comments