Manila, Philippines – Minaliit lang ng palasyo ng Malacañang ang mga batikos na natatanggap ng Presidential Communications Operations Office matapos ang isa nanamang kapalpakan mtapos ilabas sa kanilang official facebook account kung saan lumabas ang balita ng farewell call ng Ambassador ng Norway pero Norweigia ang nailagay ng PCOO Staff na agad namang inulad ng batikos.
Batikos din naman ang natanggap ng PCOO matapos na mali nanaman ang inilabas na Pangalan ng yumaong dating National Security Adviser Secretary Roilo Golez.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lahat naman ay nagkakamali, sinabi pa nito na pumukol ang siyang walang pagkakamaling nagawa.
Sinabi din nito na tiyak namang natuto na ang mga kinauukulan sa pangyayari at tiyak na maiiwasan na ang insidente.
Pero hindi din naman aniya masama kung tiyaking mabuti kung tama ang spelling ng isang salita bago ito ilabas at makita ng Publiko.