Dingdong Dantes, ipinagtanggol ang asawang si Marian Rivera laban sa isang kolumnista

Manila, Philippines – Nagpost sa kanyang facebook account ang aktor kaugnay sa isinulat ng Bandera tabloid entertainment writer na si Ronnie sa kolum nito noong October 19.
Ayon sa kolumnista, inirereklamo raw si Marian Rivera ng mga katrabaho nito sa gma 7 dahil kapag wala ito sa mood ay nagpapa-pack up ito ng kanyang taping.
Tinawag na ‘malicious’ ni Dingdong ang balita dahil wala naman daw nagkukumpirma rito.
Ayon kay Dingdong ay pinapatawad niya si Ronnie dahil lahat ng tao ay nagkakamali pero hindi niya papayagang maabuso at mabastos ang pamilya niya lalo na’t lantarang iniinsulto ni Ronnie si Marian sa iba pa nitong articles.

Facebook Comments