Gown na gawa sa dahon, trending sa China!

China -Marami ang namangha sa apat na estudyanteng nakalikha ng gown gamit ang anim na libong dahon.
Isang linggo nang viral ang pictures ng gown na pinagtiyagaang gawin ng apat na sophomore students ng University of Hefei para sa kanilang taunang “animal and plant specimen contest.”
Bagamat marami sa mga dahong kailangan nila ang matatagpuan sa kanilang campus, pahirapan ang pagkuha ng magnolia leaves dahil dinayo pa nila ang mga ito sa Tianzhu mountain.
Gamit ang alkali at sodium carbonate solution, napanatili nila ang porma ng mga dahon at naiwasan ang pagkalanta ng mga ito.
Inabot ng anim na buwan ang paggawa ng gown na isinunod ang disenyo sa suot ng Chinese actress na si fan Bingbing sa nakaraang Cannes festival.

Facebook Comments