DINUKOT | 5 Pilipino, dinukot sa Iraq at Syria; 2 sa mga ito pinalaya na

Limang Pilipino ang dinukot ng mga armadong lalaki sa Iraq at Libya.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Baghdad, dalawang Pilipina ang dinukot sa isang highway kasama ang dalawa pang Pilipina na agad na nakatakas.

Sa ngayon, pinalaya na ang dalawang Pilipinang dinukot.


Sa Libya naman, tatlong Pilipinong technician ang kasama sa apat na dinukot na foreign national mula sa isang construction site sa Tripoli.

Nakikipag-ugnayan na ang department of Foreign Affairs (DFA) sa mga embahada ng Iraq at Libya.

Hindi pa muna ilalabas ng DFA ang pagkakakilanlan ng mga dinukot na mga OFW.

Facebook Comments