DINUKOT | Hepe ng municipal marshals ng Abucay Bataan, dinukot

Manila, Philippines – Dinukot ng tatlong armadong kalalakihan ang hepe ng municipal marshals ng Abucay Bataan.

Ito ang kinumpirma sa DZXL ni Bataan OIC Provincial Director Senior Supt. Marcelo Dayag kinilala ito na si Rolando Abanes 48-anyos.

Ayon sa inisyal na ulat ng Abucay MPS kakadating pa lamang nito sa harap ng kanilang gusali kung saan naroon ang kanyang opisina nang may isa umanong van ang huminto sabay baba ng 3 kalalakihang nakabonet at armado ng mahahabang baril.


Sa ngayon ayon kay PD Dayag ay patuloy ang follow up operation ng PNP para matunton ang naturang opisyal.

Ayon sa ilang mamamayan kilalang mahigpit umano ang opisyal sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Facebook Comments