DINUKOT | Philippine Navy, naghihintay na lamang ng ‘go signal’ para makapagpadala pwersa sa Libya

Manila, Philippines – Naghihintay na lamang ang Philippine Navy ng ‘go signal’ mula sa gobyerno para sa pagpapadala nila ng pwersa para masagip ang tatlong Pilipino at isang South Korean national na dinukot sa Libya.

Ayon kay Navy Spokesman at Public Affairs Office Chief, Commander Jonathan Zata, binubuo ng ipapadala nilang ‘force package’ ay ang iba’t-ibang kapabilidad ng navy tulad ng intelligence at logistics

Dagdag pa ni Zata, naka-stand by rin ang kanilang assets at tropa sakaling kakailanganin i-deploy para sa rescue efforts.


Ang Philippine Navy, sa pamamagitan ng kanilang liaison officer na si Navy Captain Don Miraflor ay nakikipagtulungan na kay Philippine Charge D’ Affairs Boy Melicor sa Tripoli, Libya.

Nitong Hulyo a-sais, dinukot ang tatlong Pilipino at isang South Korean sa isang water project site sa Libya noong July 6.

Facebook Comments