PAYAG | Panukalang ilipat ang New Bilibid Prisons, suportado ng DOJ

42

Manila, Philippines – Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang panukalang ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) sa labas ng lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, masusing tatalakayin ito ng ahensya.

Aniya, kailangan nang ilipat ang national penitentiary sa lugar na maluwag at malawak at malayo sa business at residential areas.

Dagdag pa ng kalihim, maaring ilipat ang bilibid sa lugar na maaring gawin ang rehabilitation at maayos na mailalatag ang safety measures.

Nitong Nobyembre 2017, inanunsyo ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na hindi pumayag ang gobyerno na magtayo ng mega penitentiary sa Nueva Ecija dahil gagastos ang pamahalaan ng ₱150 billion sa loob ng 20 taon.

Facebook Comments