Ipinagtanggol ng bagong talagang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dolomite beach project ng pamahalaan.
Aniya, hindi mapanganib sa kalusugan ang dinurog na dolomite.
Sa katunayan aniya, ginagamit ito ng ibang bansa sa aquarium tanks.
Kasunod ito ng pagpapahayag ni DENR OIC Sec. Jim Sampulna na kaniyang commitment kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tutuparin ng nasabing kalihim ang commitment nito sa pangulo kahit pa may banta ang mga health expert na may epekto sa respiratory system ang crushed dolomite kapag nasinghot.
Sinabi pa ni Sampulna na magpapatuloy rin ang rehabilitasyon sa Boracay beach at ang pagbabawal sa paggamit ng single plastic.
Si Sampulna ang pumalit sa posisyon ni dating DENR Secretary Roy Cimatu makaraang magbitiw sa pwesto dahil sa kaniyang problema sa kalusugan.