27 Bayan, Siyudad sa Isabela, Natitirang may Kaso pa ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nasa 27 na munisipalidad at lungsod pa sa Lalawigan ng Isabela ang may aktibong kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Alicia, Angadanan, Burgos, Cabatuan, Cauayan City, Delfin Albano, Echague, Gamu, City of Ilagan, Jones, Luna, Mallig, Naguillian, Palanan, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, San Manuel, San Mariano, San Mateo, San Pablo, Santa Maria at Santiago City.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Pebrero 28, 2022 na nilikom mula sa mga datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU), at ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU).

Samantala, nasa sampung (10) mga bayan na sa Isabela ang maituturing nang COVID-19 free tulad ng Aurora, Benito Soliven, Cabagan, Cordon, Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Quezon, Sto Tomas at Tumauini.

Facebook Comments