DIPALO RIVER PARK SA SAN QUINTIN, MULING ISASARA BILANG PAGHAHANDA SA SEMANA SANTA

Muling isinara kahapon ang Dipalo River Park sa San Quintin upang ihanda ang mga pasilidad sa inaasahang dagsa ng bisita dahil sa long weekend.

Ayon sa pamunuan, dahilan ng pagpapabuti ng operasyon ng river park kaya isasara ito sa loob ng ilang araw para sa pulidong operasyon sa buong bakasyon.

Patuloy na dinadagsa ang naturang pasyalan tuwing tag-init dahil sa malinis na tubig at bulubunduking tanawin.

Panawagan ng pamunuan ang kooperasyon ng publiko.

Nakatakdang magpatuloy ang operasyon ng Dipalo River Park sa April 10. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments