Diplomatic mission, hihingan ng tulong ng gobyerno para mapadali ang pagbili ng COVID-19 vaccine

43

Iminungkahi ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakilusin ang kinauukulang ahensya o opisyal ng gobyerno para hingan na ng tulong ang diplomatic mission o ang mga diplomats tulad ng mga ambassador.

Paliwanag ni Go, ito ay para mapadali ang pagbili ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa Covax Facility na kinabibilangan ng 117,000 doses ng Pfizer vaccines at 5.5 million doses ng AstraZeneca vaccines.


Ayon kay Go, maaaring pakilusin para makipag-usap sa ibang bansa sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Finance Secretary Carlos Dominguez.

Binanggit ni Go na kamalawa ng gabi ay magkasama rin sila ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na nakipag-usap kay United Kingdom Ambassador to the Philippines Daniel Pruce para tulungan na mapabilis ang delivery ng bakuna sa ating bansa.

Facebook Comments