Diplomatic protest laban sa China, dapat gawing mas matapang

Iginiit ni Committee on Foreign Relations Chairman Senator Koko Pimentel sa Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat ay strongly worded o gamitan ng matapang at mabigat na mga salita ang ating diplomatic protest sa China.

Sinabi ito ni Pimentel kasunod ng ginawa ng mga barko ng China na pagbomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas na may dalang food supplies para sa mga sundalo sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Pimentel, dapat ay paalalahanan din ang lahat ng naghahabol sa West Philippine Sea o South China Sea na iwasan ang physical contact.


Paliwanag ni Pimentel, ito kasi ay maaring magdulot ng isang sitwasyon na mahirap kontrolin.

Pinaglalatag naman ni Pimentel ang Department of National Defense at Philippine Coast Guard ng plano para agarang mapahusay ang ating presensya sa mga inaangkin nating bahagi ng karagatan.

Pinabibigyan din ni Pimentel sa executive branch ng tulong ang mga Pilipinong nais makinabang sa ating karagatan alinsunod sa International Law.

Sabi ni Pimentel, kailangang pairalin natin ang Protest. Patrol. Protect.

Facebook Comments