Medical frontliners sa Valenzuela City, makakatanggap na rin ng booster shots simula bukas

Makakatanggap na ng libreng booster dose ng COVID-19 vaccine ang mga medical front liner sa Valenzuela City simula bukas, araw ng Sabado.

Ang mga bibigyan ng booster shot ay mga nabibilang sa A1 Priority Group o medical frontliners na tumanggap na ng kanilang 1st at 2nd dose ng bakuna sa lungsod.

Sa abiso ng Valenzuela LGU, kailangan ay naka-anim na buwan na o higit pa ang nakararaan matapos makuha ang 2nd dose bago maturukan ng booster vaccine.


Tinukoy rin ng lokal na pamahalaan kung anong brand ang maaaring tanggapin bilang booster dose ayon sa naiturok na 1st at 2nd dose ng bakuna.

AstraZeneca at Pfizer ang on-hand na bakuna ng pamahalaang lungsod na maaaring maging booster sa mga naunang naturukan ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Moderna.

Facebook Comments