Diplomatic protest laban sa China, hindi makaaapekto sa vaccine procurement – Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na patuloy na poprotektahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan at interes ng mga Pilipino.

Matatandaang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil pagpasa ng batas na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na atakehin ang mga banyagang barko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alam ni Pangulong Duterte ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.


Ang paghahain ng protesta sa China ay naaayon sa kanilang paninindigang dapat sumunod ang China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa kabila nito, tatalima pa rin ang Pilipinas sa rule of law.

Kaugnay nito, tiniyak ni Roque na hindi makakaapekto ang diplomatic protest sa pagbili ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa kanilang bansa.

Matatandaang bumili ang Pilipinas ng 25 milyong doses ng Sinovac vaccine sa China kung saan ang unang batch ay darating sa susunod na buwan.

Facebook Comments