Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palalakasin pa ni Pangulong Rodigo Duterte ang diplomatic relations ng Pilipinas sa Israel at Jordan sa kanyang pagbisita sa dalawang bansa.
Sa briefing sa Malacañang ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella ay sinabi nito na sa pagitan ng Pilipinas at ng Israel ay lalagdaan ang mga kasunduan sa larangan ng Labor, Scientific Cooperation, Investment at 2-way trade expansion at Agriculture.
Sinabi din ni Abella na bukod sa mga kasunduan ay inaasahang matatalakay sa mga pulong ni Pangulong Duterte ay ang issue sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel kung saan partikular na tatalakayin ay ang paniningil ng placement fee at mas maayos na deployment procedure para sa mga magtatrabaho sa Israel.
Sa Jordan naman ay magkakaroon ng kasunduan sa larangan ng labor, trade and investment at defense cooperation at tatalakayin din ang kapakanan o ang working conditions ng mga domestic helpers sa Jordan.
Binigyang diin din ni Abella na ang pagbisita ni Pangulog Duterte sa dalawang bansa ay bilang pagsunod na rin sa friends to all enemy to none foreign policy ng pamahalaan.
Ang pagpapalakas din aniya ng relasyon ng Pilipinas sa dalawang bansa ay magbibigay daan sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, pagbubukas ng mas maraming employment opportunities, mas matibay na seguridad at counter terrorism.