Nasa alert level 2 ngayon ang Dipolog at Dapitan City ng lalawigan ng Zamboanga del Norte habang nasa alert level 3 naman ang mga munisipalidad ng Sirawai, Siocon, Sibuco at Baliguian o kilalang “Triple SB” sa lalawigan, matapos isinailalim sa Martial Law ang Mindanao dahil sa ginawang pag-atake ng teroristang Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito ang inihayag ni PSupt. Jonathan Yabo, Chief Provincial Operations and Plan Branch ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office (ZNPPO).
Ayon naman kay PSSupt. Edwin Buenaventura Wagan, PNP Provincial Director ng lalawigan na dahil sa nagpapatuloyng kaguluhan ngayon sa Marawi, pinaigting nila ngayon ang seguridad sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng simultaneous check point operations sa mga provincial boundaries, araw-araw na seaborne patrol operation sa 18 mga coastal municipalities sa lalawigan sa tulong din ng mga bantay-dagat, paghigpit sa mga bus terminals, sea ports at iba pa.
Pero sinabi naman ni PSupt. Yabo, na nanatili paring safe at payapa ang buong lalawigan sa kabila ng patuloyng operasyon ngayon ng militar at pulisya sa Marawi City laban sa teroristang Maute.
Dipolog at Dapitan City sa Zamboanga del Norte nasa alert level 2 dahil sa kagulohan sa Marawi City pero giit ng PNP na nanatiling safe at payapa ang buong lalawigan.
Facebook Comments