Pacquiao vs. Horn fight, maaring hindi pa maging huling laban ng pambansang kamao

182

Sports – Excited na ang mga fans sa nalalapit na laban nina People’s Champ Manny Pacquiao at australian Boxer Jeff Horn sa linggo, July 2.

Dinarayo rin si Pacman sa Brisbane River Park kung saan ito nag-eensayo habang sa Brisbane central business nagsasanay si Horn na dinarayo rin ng kanyang taga-suporta.

Samantala sa isang interview – sinabi ni Pacman na maaaring hindi ito ang kaniyang huling laban.


Ramdam narin ang boxing fever sa Brisbane dahil nagkalat ang mga souveniers, tshirt, cap, posters, banners at billboards ng Pacquiao vs. Horn fight.

Facebook Comments