2 INMATES NA NAKATAKAS HABANG NAKA-CONFINE SA HOSPITAL NG DIPOLOG, PATULOY NA PINAGHAHANAP.

2 inmates na nakatakas habang naka-confine sa hospital ng Dipolog, patuloy na pinaghahanap.
Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang isinagawang hot pursuit operation ng pulisya sa lalawigan ng Zamboanga del Norte laban sa mga tumakas na dalawang bilanggo habang ang mga ito ay naka-confine sa Zamboanga del Norte Medical Center sa may Barangay Sicayab ng syudad ng Dipolog.
Kinilala ang mga tumakas na may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  na sina Joey Sarigumba, 32, at Winifredo Luminarias, 33, kapwa naka-confine sa nabanggit na pagamutan dahil sa umano’y hemorrhoids at constipation.
Batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad, nagsilbing escort ng dalawang detainees ng Zamboanga del Norte Provincial Jail ang duty provincial guard na si Abraham Antiquina.
Sinasabing sinalisihan ng mga ito si Antiquina habang pina-process ang releasing papers sa pagamutan.
Patuloy pa ngayong inaalam ng pulisya ang kinaroroonan ng mga tumakas na preso. 
 
tags.Mindanao,Dipolog,RMN,RMN 981,Derecho Balitang Dipolog,Mardy D. Libres,2 inmates nakatakas habang naka-confine sa hospital ng Dipolog. 
Facebook Comments