Mga kasong murder na isinampa laban kay Congressman Yap ng first district sa Negros Occ., ibinasura ng korte!

123

San Carlos City, Negros Occidental  –  Ibinasura ni Regional Trial Court – RTC Branch 57 Presiding Judge Danilo Amisola ang tatlong kasong murder at isang frustrated murder laban kay dating Escalante City Mayor at First District Cong. Melecio “Beboy” Yap, Jr. dahil sa kakulangan ng probable cause.


 Matatandaan na walang bail na inirekomenda ang Ombudsman sa naturang mga kaso ngunit hindi naipalabas ang warrant of arrest dahil sa Motion for Judicial Determination na inihain ng abogado ni Yap.


 Iniutos ng korte ang dismissal sa apat sa limang kaso ni Cong. Yap kahit pa na may isinampang oposisyon ang prosecutor sa Motion for Judicial Determination si Yap.


 Sa panayam ng DYHB, nagpapasalamat si Yap sa naging desisyon ng korte at sinabi na ‘vendicated’ siya sa mga paratang na wala namang katotohanan at kagagawan lamang nga kanyang mga kalaban sa pulitika. 


Sinabi naman ni Atty. Luke Espiritu, abogado ng mga complainant na alam na nila ang maging desisyon ni Amisola nang naghain sila ng mosyon na magpa-inhibit ang huwis. Magsasampa rin sila ng motion for reconsideration sa RTC hinggil sa naturang desisyon. 


image1.JPG

Facebook Comments