Nalalapit nang buksan ang direct flight sa papamagitan ng Jeju Air mula Incheon sa South Korea patungong Puerto Princesa sa Palawan.
Ayon kay Chief Demetrio Alvior Jr., ng City Tourism Department, ang nasabing hakbang ay bahagi lamang ng resulta ng mga ugnayan sa pagitan ng city government ng Puerto Princesa at ng Embahada ng Korea sa Pilipinas.
Inaasahan na rin kasi ang dagsa ng libo-libong turista kapag na-finalize na ang mga plano para sa direct flight na ito mula Incheon kung saan inaasahang bibista rin si South Korean Ambassador.
Binigyang diin din ni Alvior na ang South Korea ay isang malaking merkado para sa turismo sa Palawan na kayang buhayin ang sektor ng hospitality sa Puerto Princesa.
Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng City Tourism Department katuwang ang Department of Tourism (DOT) para sa pagsasaayos ng mga familiarization trip para sa mga South Korean journalist at business figures para sa mga interesadong mag-invest sa kanilang lungsod.
Umaasa rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod na makakatulong ito sa pagbuhay muli ng sektor ng turismo kasunod ng pandemya.