Direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel, target ilunsad sa Oktubre

Kahit nasa kasagsagan pa rin ng pandemya ay tuloy ang paglulunsad ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Ayon kay Embassy Charge D’ Affairs Nir Balzam, target itong masimulan sa Oktubre sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL).

Wala pa namang kasiguraduhan kung kailan papayagan ang inbound tourism travel sa Israel kasunod na rin ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.


Pero aniya, tuloy ang pagpapadala ng Filipino caregivers sa Israel sa ilalim ng Philippine-Israel bilateral labor agreement.

Nito lang Hulyo nang makalipad na patungong Israel ang 48 mula sa 377 caregivers na naantala ang biyahe noong 2020 dahil sa pandemya.

Facebook Comments